Monday, August 11, 2008

bumabalik?

Bumabalik.. Bumabalik nanaman... Pero hindi ako sigurado...

Sa dinami-dami ng mga mukhang nakikita ko sa araw-araw, ang gusto ko lang naman ay makita kahit hindi ang kabuuan, kahit nakatalikod ka lang o nakatagilid. Sa kalagitnaan ng mga mag-aaral na nagsisilabasan sa kani-kanilang silid-aralan, pilit kitang tinatanaw, nagbabaka-sakaling makita ka kahit sandali lang. Buhok mo pa lang, alam ko na na ikaw iyon. May mga oras na mag-isa akong tumatambay sa bench o naglalakad-lakad sa palibot ng unibersidad sa kadahilanang baka makita kita. Oras na mangyari iyon, tila may isang bahagi sa sarili ko na nagsasabing, "Ok ka na. Pwede na yan para sa ngayon." Sa mga sandaling napapatingin ka sa akin (o baka sa tao sa likod ko), parang yelo lang akong tinutunaw, nanlalamig at mga tuhod ay nanginginig. Sa mga mumunting saglit na tinig mo'y aking naririnig, walang halong biro, musika na para sa akin iyon.

Mayroon pa bang mas nanaisin pa kundi ang makasama ka?

Oo, nabigyan tayo ng pagkakataon. Sa mga sandaling iyon, pilit kong hinuhugot lahat ng tapang sa bawat sulok ng sistema ko para lang, makapagsalita ako at hindi ka magsisi na sumama ka sa akin. Sa mga panahong nahuhuli mo ako na may ibang ginagawa at sabay tanong, tepok, iba ang sagot, huli talaga pero masaya na ako dun, napatawa kita kahit papaano. Sa tigas ng ulo mo, wala naman akong magawa pero masaya pa rin ako dun, sa kadahilanang hindi ka nagdadalawang isip na sabihin kung ano talaga ang gusto mo. Sa totoo lang nahihiya nga ako sayo. Sa halos isang oras na tila napilitan ka lang na manatili
tayong dalawa sa loob ng Mister Donut, masaya na ako dun. Kahit papaano may mga nalaman ako tungkol sayo.

Mayroon pa bang mas nanaisin pa kundi ang muli'y makapiling ka?

Isang bagay na hindi inaasahang dumating, hindi ko rin naman maipaliwanag. Maaaring dala lang ng mga bagay-bagay sa paligid o maaaring lahat ng itoĆ½ isang malaking kathang-isip lamang. Mananatili na nga lang siguro na isang pangarap ang makapiling ka.

3 comments:

the donG said...

in love? hmmm...

hinulugangpakpak said...

what's this oishi??

sin.o ni??? hmmmmm...

in love ka???

chika naman diyan

Bambam said...

hehehe...

daw kilala ko ni haw...ehem. happy for you, pohlar. ^_^